Thursday, December 24, 2009

OJT Time Part 2

Masakit talaga legs ko sa sobrang lakad di na ako sanay sa mahabang lakaran di na gaya nung nag aaral pa ako sa Baguio akyat baba 5th floor pa room ko, I think I'm getting old na anyway tuloy ang kwento ko so sa Trinoma lang kami PAGOD! PAGOD PAGOD! na ako MAAWA kayo sa akin ang gusto kung sabihin pero di ko masabi kasi enjoy sila. Okay time to go home Oh Yes! drop by muna kami sa Mcdo para kain dinner, nabusog naman ako kahit papano totoong uwi na sa Apt. yey! pwede na ako magpahinga zZzzzZzzzZZz.
Nov 23 First Day of Duty 2-10PM ... okay okay pa kami ng morning sa Apt. lokohan what will happen sa duty. 1PM na everybody is ready pero sobrang kaba na namin lahat, we form a circle and pray AYOS NOH? eh di nakatayo na kami wereready to pray Waaaah! wala naman mag lelead ng prayer TURUAN mode na naman so si Mae naglead prayer coz were running out of time, then bigla sabi meh susunod na maglead prayer di na natuloy tuloy noh! sabi ko naman sa sarili ko first day kasi sobrang kaba. Papunta na kami Veterans syempre nahati yung group na naman 5:5 kami nina kuya Bien,Charlotte,Janet, Lovely and Me nag cab kami syempre ganun din lang pamasahe, iniisip din namin yung convenience. Ang aga namin log in muna sa nursing education, next stop ward 3 waiting kami kay Ms. Muriel wow ang tagal! meh dumaan na group sabi taga fire dept. daw kami kasi naman were wearing red polo. waiting! waiting! Oh yes! dumating na rin si mam so pumunta kami sa students room for a quick briefing on what we will do, syempre practice muna kami kung pano kumuha blood pressure, okay we went to our respective patient to take their vital signs. My first patient is Soledad, she's okay to talk with but she keep repeating what she's saying. Aysus! Sumunod na patient si madam Angelina, cool siya and easy to get along with! Wow! yan ang hinahanap ko. sabi nga niya sakin "kelangan magsalita para makarating ka sa gusto mong puntahan" Totoo yun! marami din siya tinanong tungkol sakin like anong work parents mo? bakit ka nag caregiver? Sasagutin ko nalang yung bakit ka nag caregiver? My parents are not getting any younger gusto ko alagaan sila ang gusto ko gawin sa buhay ay mag negosyo pero I don't have enough funds sabi ng magulang ko wag daw muna ngayon I'm still young! kailangan ko daw magtrabaho tama naman! sabi nga ni madam Angelina tama daw yung sagot ko! oo naman! Sabi niya sa akin mabait ako.. Hmmmmm! tama yun! Alala ko sinamahan ko pala siya sa C.R kasama namin bantay niya, tinanong go yung girl bakit absent siya sabi di na daw siya nag aaral till 1st yr HS ako naman naging ate na naman eh sabi ko naman sa kanya kelangan tapusin niya pag aaral kahit HS lang, sabi ko kung option mo eh mag asawa ng mayaman eh di okay! Hahaha! So nag bye bye muna kami sa patient kasi were having our break na be back at 8pm! So kain kami sa canteen! I ordered laing for dinner masarap kasi itsura ng food eh di umupo na ako with kuya Bien and Lovely napa WTF ako coz the food aint that good! di ko na tinuloy kumain ininom ko nalang ung mango shake. Okay we went back to our room, discussion sus! I never thought magpapa quiz si mam! HAHAHA! Yey! mataas nakuha ko! so back to our patient for our last V/S okay na! nawala na kaba namin! Uwian na! nag bye bye na kami kay Ms Muriel then I said Goodnight Mam Enjoy your SEXYTIME! hahaha! =) Uwian na!
Okay Day 2, and Day 3 same old routine well practice practice sa V/S namin magaling na kami! Duty namin 6-2Pm Nov. 26 Something happen, naghihinalo na ang patient ni Charlotte, nag CPR siya, nanonood ako on what they are doing :( namatay ang patient ni Charlotte, tinawag ako ni Ms. Muriel post mortem niyo na, sabi ko sa sarili ko Mam ako po ba talaga? takot na takot kaya ako sa 23 years ako nabuhay sa mundo di pa ako nakahawak ng patay, malamig pala or ako na yung nanlalamig, kelangan pala magpray di ako nagpray kasi I don't know what to do and nagpapawis ako ng malamig, di nahalata na I'm scared. Something happen na naman! si Charlotte namamaga ung isang mata! na stress sa kanyang patient. Tapos na duty time to go home na naman pero magagala na naman kami with janet and lovely. So pumunta na naman kami sa walang kamatayan na Trinoma and SM North yun kasi malapit, Agenda namin eh to look for a gift watch yung napili namin. Ikot ikot kami sa Trinoma wala kami makita na gift that suits her. Change location SM North na wait muna kami cab, pasensya na tinatamad na ako maglakad sayang oras. pagpasok palang hanap na ng shop relo. Yes may nakita na kami Fossil outlet. okay check muna kami prices may nakita na kami. Yahoooo! bakit ba kasi relo? 1. Kasi konting panahon lang kami nagkasama 2. Gusto namin maala kami. yun lang dami ko iniisip pero di ko masabi. di pa namin bilnili hahaha! babalikan pa. Anyway shopping shopping uli sila ako wala binili kasi tamad ako mag shopping I'd rather buy online. hahahaha! Sa wakas natapos na rin uwi na kami! Pagdating namin apt! WTF grabe na mata ni Charlotte, sinabi she's goin home na WHAT! call Ms Muriel di rin namin alam number? Huh! tawagan mo nalang yung unang batch Thank God alam number. Ring Ring Ring
Cha : Hello! Mam si Charlotte po uwi na daw siya kasi grabe na yung maga ng mata niya
Ms. Muriel: Nagtake na ba siya meds?
Cha: Opo Mam kanina pagdating namin
Ms. Muriel: Eto gawin niyo punta kayo ER sabihin niyo nag duduty kayo and sabihin niyo pinapunta kayo daddy ko
Cha: Ok Mam
eh dali dali na kami nagbihis, papunta na kami hospital. Naiinis na naman ako syempre apat sila naiwan sa apt. si kuya Bien and Edgar nagsimba sila kami galing mall. Parang ewan yung mga naiwan kasi may nangyayari na kay Charlotte. di pa sinabi para uwi na agad kami. Hay! Anyway asa hospital na kami ER interview Charlotte, kami nakaupo lang nakikinig natapos na rin pinapunta kami sa Eye specialist, another check up uli kay Charlotte kami nakaupo, hirap pa signal sa clinic. Nakakaantok at sobrang tahimik pa sarap mag ghost hunting sana mukhang meh ghost naman! na try ko na mag ghost hunting sa Diplomat sa Baguio masaya na nakakatakot tuloy ang kwento nakaupo lang kami waiting pa rin tapos bigla may pumasok si Ms. Muriel pala kasama Dad niya. Sweet na touch naman kami lalo na si Charlotte kasi super down na siya sa nangyayari and she felt good after that. >to be continued

No comments:

Post a Comment