Thursday, December 31, 2009

HAPPY NEW YEAR!

Wish you a very very prosperous New Year! Yet another year to live our life! Thanks for being part of my life! I love you guys!




>CHA
Posted by Picasa

Wednesday, December 30, 2009

DJ Earworm Blame it on the Pop 2009

If you didn't listen to the radio much this year, and we can't blame you on that front, here's a great way to catch up in no time flat. DJ Earworm's annual audio-video mega-mashup features Billboard's top 25 songs of 2009, musically shoehorned into less than five minutes. Talk about a time-saver!


Monday, December 28, 2009

CAC!

Namiss ko tuloy mag-aral sa SLU. =(


OJT Time Part 5

Buti nalang nakatulog ako, sana magising ako ng maaga kasi 2pm duty. SHIT! late na 9am, kasi magtratravel pa ako papuntang Project 6, parang ang layo pero malapit lang. Hahahaha! Syempre nakikain muna ako kasi gusto ko ng matinong breakfast na naman, PATAY GUTOM kasi ako! loko lang baka naniniwala ka na. Anyway natapos na rin ang breakfast, SARAP! SARAP! kelangan ko na umuwi sa Apt it's getting late and kailangan ko pa maligo. Uwian na! check muna gamit kung may naiwan, wag kalimutan ang red wine! to be continued yung wine mode ko! So nag tricycle muna ako till Mini stop kasi mahirap cab sa house ni ate. Yey! nakasakay na ako, ang fufu! TRAFFIC! pero okay lang naka aircon naman, magmumuni-muni muna ako. Nakarating na ako sa apartment, busy sila gumagawa ng output, gumawa na rin ako madali lang naman! Natapos na rin! makaligo na nga, naiinitan na kasi ako. I feel fresh! hahaha! kain na kami lunch after that nilabas ko yung wine gusto ko may tama ng konti pagpasok hospital wala lang namiss ko kasi yung feeling na ganun! SARAP! Yung namumula yung chicks, libre blush on na! Alala ko pag sina Maezie and friends nag shoshot itatanong sayo "Beibs nag floor wax ka?" Nagtataka ka siguro kung bakit beibs tawagan nila, sweet kasi pakingan and all girls sila, beibs ang tawagan nila pag super close. Yun lang! Hahahaha! Pero shit naman oh! naging energetic ako bigla pagdating sa hospital sa Ward 10 or 11 ata yun? not so sure! pasyente ata dun eh may cancer ata. Thank God may nagduduty! Hahahaha! So balik kami ward 4! V/S muna kami, buti yung pasyente ko mabait. Yung apo ng isa kong pasyente close close kami, tawanan, Hahaha! tinanong ko nga siya kung sino pinakamatanda sa amin na girls, syempre tinuro kung sino, tawa lang ako tapos bigla ko sinabi na ako yung pinakamatanda. Ows? naman! 23 na ako. Mukha ako bata kasi stress free and Im inlove. Oh Yes! Pag tapos na ako mag V/S dun muna ako kwentuhan kami ng kung ano ano! Time is up! balik na sa room, discussion na. Im not in the mood to listen, pero nakikinig pa rin ako, wala ako choice baka kasi magpapa quiz si Ms. Muriel yung utak ko parang lumilipad na ewan, pero nakikisali pa rin ako sa discussion. Syempre nakakarelate ako sa sinasabi niya minsan and alam ko yung iba, nagbabasa rin ako! Hayy nagpa quiz talaga si Ms Muriel! Well mataas naman nakuha ko kahit lumilipad ang utak ko that time. Pero may napansin kami kay Ms. Muriel that day na she's not feeling well, mukhang sinusumpong yung itsura niya.Yung iba namin classmate sabi "baka di pinagbigyan" ano daw yun! LOL! Nakikitawa na rin ako. Hahahaha! Uwian na! Uwian na! kasi 6am yung duty, nahuli kami umuwi kasi nag withdraw pa ako, I need cash! Naghihintay sa labas kasama ko, Uy andun si Mam tinanong kung ano oras gusto namin mag duty, sinabi nila 2pm. Oh Yes! pwede na naman magpuyat. Eh di umuwi na kami smiling face kasi 2pm pa duty. Usap-usap kami kung sasabihin namin agad or pagising nalang nila. We decided na sabihin pagising nalang nila, were home na, Nagsindi muna kami, patawa-tawa. Pero sinabi na rin namin na 2pm duty, yung iba kasi gusto magsugal. Di ako marunong magsugal. Hehe! Mas gusto ko nalang magkape at gumimick, nag enjoy pa ako. Naglaro sila, ako gumawa ng output di pa kasi ako inaantok, sabay nood na rin sa game. I don't understand the rules of the game. Pota nose bleed english yun! Inantok na rin ako. Makatulog na nga! zzzzzzZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzz

>to be continued

Sunday, December 27, 2009

Lost and Found


Nakita ko itong photo ni Toper. Grabe! ginawa pala ni Ran, kasi si Maezie may project sila using adobe. Ayun nagpatulong ako kay Ran pumunta kami sa place nila. Si Toper naman nagpagawa din wala lang trip trip. Hahaha! Alam ko natatawa ka sa photo, ako din eh! Ingat lang baka malaglag pustiso mo sa kakatawa. =))
Posted by Picasa

Missin You Guys!


Missin them! Eto na yung last na nagkakasama ang buong Management Group! birthday ni Cess lahat nag enjoy sa party @ Giligans! Wow! Wow! WoW! Saya namin! no dull moments! si Deo ang may award that night, lasing siya tapos kinanta pa ang Pare Ko ng Eheads tapos lahat kumakanta. Ang dami namin! =)
Posted by Picasa

Saturday, December 26, 2009

OJT Time Part 4

Yun nga every hour V/S kasi yung mga pasyente kritikal yung situation yung iba may tubo sa leeg, nakakaawa nga sila eh! pero wala ako magagawa yan ang kapalaran nila. Enjoy nga sa MICU kasi nakikita ko yung situation ng every patient tsaka may thrill kasi alam ko na nahihirapan ako. Di ako napupuyat sa kanila kasi iniisip ko nalang na gumigimik ako para energetic pa rin. Tsaka isipin mo nalang yung patient mo lasing na! kaya nakahiga. HAHAHAHA! uy di ko inisip na lasing sila nun, naisip ko lang ngayon habang nagsususlat. Malapit na matapos ang duty Yey! I need to take my sleeping pills before 6am. Kailangan ko mag sleeping pills para sweetdreams and di ko marinig yung mga ingay nila, ayoko ginugulo pag ako'y natutulog panira kasi sa panaginip. Natapos na rin ang duty lahat antok na antok na, ako sakto lang natake ko na yung sleeping pills. Pero lahat na nagmamadali uli It's Laundry time again! syempre kami yung unang dumating kasi nag cab kami yung iba nag walking na umuwi, ako'y tamad na maglakad. Siguro iniisip mo tamad ako maglakad, Tama iniisip mo pero pag ako nag work out di ako tamad. Hahaha! Ganun talaga! Oh Well! Naglaba na naman ako uniform baka tumalab na yung sleeping pills, natapos na rin! "ang kamay ko may sugat na naman wala na yung malambot kong kamay huhuhuhu! " yan ang sinasabi ng utak ko pagkatapos ko maglaba. Ang SHIT noh? kasi naman pano na pag nakipag holding hands ako kay Karlo. Hahahaha! ang drama! may lotion pa naman, pag gusto mo soft pa lagyan mo ng glycerine pero konti lang. share ko lang. Hayyy... I feel sleepy na umeepekto na yung sleeping pills. I'm off to bed na guys! mornin! ... ZzzZzzzZzZzZZzz... Nagising ako past 12 pero natulog uli ako 3pm na ako nagising uli. Pag gising ko kelangan gawin yung output! nakakatamad magsulat,pero madali mag isip! natapos ko na rin, Salamat naman! Hayyyy! duty uli ng 10-6am pero sa MITU na WOW! WOW! WOW! mas kritikal na naman situation EXCITING! On the way na kami sa hospital, ganun pa rin kami magkakasama, anyway drop by muna ako para bumili ng energy drink kailangan ko kasi eh para laging happy! Happiness ba naman! Nasa student's room na kami waitin for Ms. Muriel, dumating na si Mam sabi "Guys kelangan natin humabol sa 11pm na V/S wait lang ha check ko. Okay 7 lang pala patient sa MITU yung iba dito muna sa MICU" Ayyy :( Anyway kami pala nauna sa MITU I'm with Kuya Bien and Lovely, papunta na kami w/ Ms. Muriel okay inaasign na kami sa mga patient namin nauna si Lovely then ako. Ayun naasign ako sa dati kung patient si Soledad sabi ko kay Mam:

Cha: siya patient ko mam?
Ms. Muriel: Oo! Bakit?
Cha: Wala mam! Hehehe!
Ms Muriel: Eto yung isa mong patient
Cha: Ayyy...
Ms. Muriel: may cancer,
Cha: Natatakot ako mam.

Ok done na ang talking so check V/S pero natatakot ako sa may cancer patient baka mainit ulo, buti nalang SUPER NICE! kasi Nice din ako and polite pa! Aysus! Anyway I'm done in taking V/S so nakatayo nalang kami ni Lovely nag iisip ng pwedeng gawin eh di sayaw sayaw ginagaya niya mga Honeybees! she's good! ano nacontribute ko syempre tumawa ako. Biglang may nangyari ssa patient ni Kuya Bien watttt! naghihinalo na so CPR na mga doctors! kami ni Lovely take muna V/S for 12am, biglang tinawag na ako ni Lovely, "Cha post mortem na" Watttt! Okay pumunta na ako nag pray kami sabi ko sa prayer ko " Tay wag mo ako multuhin you rest in peace Amen! " Sabi ni Ms. Muriel tanggalin na ang mga nakakabit, eh di tinaggal namin, "Cha kunin mo yung syringe" para san kaya itong syringe tutusukin? patay na. "itusok mo dyan sa may catheter tangalin yung tubig or air if I'm not mistaken, ginawa ko, natapos na rin tanggalin na yung catheter syempre hinugot ko sa titi ng pasyente. Hahahaha! Iniisip mo kung ano na feel ko? syempre titi pa rin wala nagbago. Inayos na namin si tatay pero ayaw tumila yung dugo sa right side niya nilagyan nalang ng diaper para di magkalat ng dugo,natapos na rin! EXCITING ayt? natapos na duty namin sa MITU till 1am lang kami kaya sa MICU na kami. May nangyari na naman sa isang patient na diabetic at comatose na patient ko rin the other day, si Kuya Edgar nag pump na ng ambo tagal din pero she's okay na. So the whole 5 hrs nagtake kami V/S and sponge bath sa patient. Yes! it's 6am I can't wait to go home na day off namin kasi! dali-dali na ako uwi nag change na ako damit di na ako naligo pumunta na ako sa house ng cousin ko sa project 7 malapit lang sa apartment namin project 6 kame. Yung uniform ko pinalabhan ko na sa classmate ko binayaran ko siya. So pumunta na ako sa house ni cousin sabi ko kasi "Cuzn gusto ko matulog sa matinong bed" and yes! di ko na kailangan ang sleeping pills binigay ko nalang yung extra. Pagdating ko sa house diretso na ako sa room, mag isa lang ako syempre at late na rin ako nagising. Nagtext si Leah sabi andito Roro, tinext ko naman si Roro sabi asa Greenhills daw siya iniisip ko kung pupunta ako pinapaayos niya kasi sasakyan niya sayang kasama niya pala si Von! Wahhh! na miss ko sila nung kami pa magkakasama sa Baguio. So bumaba na ako kain lunch pagkatapos ko kumain bumaba uli ako nag net at nag videoke muna ako bago ako maligo kasi magrgrocery pa kami sa Waltermart. Sabi ko kay ate nagtext classmate ko nung college magkita daw kami "ano ka magrogrocery pa tayo". Hahahaha! Di ko alam hinihintay pala ako ni ate, dali dali na ako naligo pero natagalan ako nung nagbihis ako. Hahahaha! Sa wakas natapos na rin ako nagrocery na kami, binilhan ako ng chips at iniisip ko kung uuwi pa ako sa apartment! I've decided wag na umuwi at mag wine nalang ako sinolo ko yung red wine nakalahati ko tipsy na! di pa ako agad agad na natulog! kasi gawa ako thank you letter for Ms. Muriel, mahaba ata yung sinulat ko natapos na rin. Higa na ako! Punyeta masakit ulo ko para akong umiikot kaya pinilit ko matulog, nakatulog din ako. zzZZzzzzZZzzzz


> to be continued

Friday, December 25, 2009

Merry Christmas!

May the spirit of Christmas be a happy one for the entire family.



Posted by Picasa

Three Musketeer



R-L Charity Beth Delfinado, Leah Lovejoy Definado and Samuel Hope Delfinado

We are wearing Lacoste when we are kids now wala na. =))
Posted by Picasa

PARIS


Wahhhhh! It's her day talaga! tama ba mahiga sa bed ni mama and papa. Nagiging sosyal na yung baby namin ni Karlo gumaganda din siya, pero takot siya sa tao Hahahaha! Harmless nga eh! Maaga kasi kami ginising kasi may ibinigay sa amin ni papa and mama yung present namin! Yipee! Ayoko pa gumising kasi antok na antok pa ako and late na ako natulog, okay binuksan ko yung door and back to bed again kasama ni Papa si Paris pumasok sa room si Paris naman dinidilaan yung paa ko! "What you barefoot" naalala ko lang friends ko na sinasabi yan tapos ung "ta rupam fish" in english "your face fish" translate ko na kasi ilocano, na share ko lang. Hahahaha! Oo noh! dinidilaan tapos biglang tatayo, di ko alam may secret plan na siya na makihiga sa tabi ko. NO WAY HIGHWAY! Hahahaha! napansin siguro niya na sa akin lahat ng space so Paris decided na makitabi sa nanay ko gulat nga siya eh! pano magagalit si mama may kachika sa phone nakwento lang sa akin yan kanina kasi I'm busy sleeping. Nagising na rin ako sa wakas kasi tinatanong ni Leah kung okay yung printer KULIT! epriprint kasi nya yung plane ticket balik na siya Manila tonight back to work again. So ayun! nag print na siya, tapos bigla siya pumunta sa room ng parents ko para mag CR bigla niya nakita si Paris nakahiga sa bed dali-dali na naman niya camera magtake dapat picture ako naman bumaba, eh di bumaba din si Paris pero hanggang sa hagdanan lang siya so balik uli siya sa room ng parents ko nahiga uli and si Leah happy nag take ng pictures pero nung ibaba na si Paris ayaw. Ang fufu! arte mo na Paris ayaw mo bumaba! kelangan na bilhan ng new bed! Soon! wala pa ako budget tag hirap pa ako ngayon. Oo noh! may time para sa lahat! =))
Posted by Picasa

Thursday, December 24, 2009

Ymmas and Paris


Our two energetic dogs YMMAS and PARIS
Posted by Picasa

Mga Tambay

Eto room ko! so sexy pag gabi HAHAHAHA! Tatlo kami magkakapatid ako eldest yung lalake ang bunso. Ganito kami pag bakasyon, BORING ba? di naman noh! nag chat nalang kami YM pag may gusto sabihin boring talaga noh. pero pag kami nagsasama makulit talaga kami KENKOY pa. Kawawa nga si Hope samin eh! Inaasar namin ni Leah lalo na pag may babae na kasama. Mag cocomment pa kami, na parang inaaway! JOke lang yun!Hahaha! di pa nga namin nakilala yung ex girlfriend niya pinameet na sa parents ko tas kami ni Leah, di pa! Alam niya siguro na lolokohin namin siya were nice naman eh! PROMISE.. Si Leah naman eh wala pa nagiging boyfriend, ihanap niyo siya ng kadate, 22 years old she's working at CHIKKA.com as network assistant madali lang siya pakisamahan. Natatakot na po kasi kami pag di nagkaboyfriend. Hanap niyo po ng kadate. thank you!
Posted by Picasa

OJT Time Part 3

Well natapos na isa namin problema yung pamamaga mata ni Charlotte time to rest na and Im feeling tired na. Nov. 27, 09 Yey! Birthday na ni Leah greeting na for her " happy birthday sis! kelan mo ako treat nagugutom na ako" hahahaha! Yan ang sinabi ko kasi lahat gusto magpalibre pag birthday para makatipid and makakain ng masarap. Totoo naman! Okay iniisip ko the whole day pati sa duty kung ano ipapakain ni Leah patay gutom kasi ako. Hahaha! duty pala namin sa Ward 3 hmmmm... this is my lucky day! It's my first time to meet the hottest hunk in VMMC si Mr. Ernesto Torrado. hahahaha! Inasign kasi ni Ms. Muriel sakin, kasi I told her na gusto ko lalaki patient di kasi ako na chachalenge sa babae. HAHAHAHA! demanding ako! di naman gusto ko lang lalake kasi masarap bolahin. FYI! di ko binobola ang boyfriend ko yung older people lang masarap kasi. Anyway tama na toh nakakasawa ituloy natin yung kwento kay Mr. Torrado unang ginawa ko pakainin siya ng bread w/ ground beef if I'm not mistaken and banana sarap na sarap naman siya sa kinakain niya di ako naiingit! natutuwa lang ako kasi wala siya ngipin lunok lunok lang. AYUN natapos na rin si Mr. Torrado mabilis siya kumain. gutom na gutom siguro. Hahaha! Next thing to do mag shave ng bigote, si Ms. Muriel ang kumausap sa kanya tas ako na nagshave, mapurol yung razor HAHAHAHA! syempre sinabi ko kay mam na mapurol pano ako magshashave so nagdonate siya ng razor ni Mr. Torrado . Meron na razor! Oh yes! Eto na shinave ko na si Mr. Torrado behave naman siya buti nalang good mood! Kung bad mood walk out eksena natin, wah magblublush ako ng bonggang bonga pag nasapak ako. HAHAHAHA! Anyway natapos na rin ang grooming session time to take V/S sa ibang patient well okay naman. Nag roaming around ako sa mga room kasi I'm done na on what I'm doin . Okay pumasok ako sa room kung saan magkasama si Mr. Young and Lovely naglilinis sila ng shit! hahaha! syempre tumulong ako noh alangan pinapanood koh, kakaibang experience humawak ng tae kaya tapos lilinisan mo. Sarap! Try mo para maiba naman yung routine mo! Natapos na rin! No sweat! I just keep smiling! masaya kasi! One of the patient in that room asked kung pwede daw namin sila emassage! Okay sir No prob! your wish is our command! Okay masahe masahe! sarap na sarap naman si Sir! sana ako minasahe naingit kaya ako! kasi gusto ko rin, may lines nga kami ni Lovely to the other patient eto yun! :
Lovely: Boss tignan mo sila oh! Upakan na natin
Cha: Oo nga boss kanina pa sila nang aasar
(massage massage sa likod)
Lovely: Cge na Boss
End of the Story! Boring bitin! Boooh!
Okay next in line sa massage si Mr. ______ I don't know his name eh! Sarap na sarap na naman siya sa masahe pero si Lovely sobrang pahid ng alcohol, di pala siya naliligo kaya medyo mabaho.. hahaha! to ease the smell kaya alcohol then si Mr. Young naman ang nagshave di marunong ang loko! kaya si Kuya Bien nalang nakakatakot kasi pag nasugat. Done na! It's 11pm! CBG Time sabi masarap daw kami mag CBG. totoo yun! magaan kasi kamay namin! May mga eksena na nag away kami sa CBG kasi sabi ni Ms. Muriel dito lang ako sa labas titignan ko lang kayo. Okay nasa loob kami ng room I'm with kuya Edgar, Bien, Gummy and Janet here it goes okay lahat CBG pero yung last na patient SHIT! SHIT! si Gummy nanginginig habang nag CBG yung kamay nag sweat sana pinunasan man lang! grabe kaya galit na kami lahat! Totoo noh! kung ang boyfriend ganun mag sweat ang kamay di ko hahawakan. eeeew! mag gloves nalang ako! para may HHWW. Hahahaha! Back sa story. Ayun si Janet nagmumura na rin, kay gummy at yung patient nagalit din kasi masakit aysus! nevermind! drama lang ni ate! hahaha! well concern din ako pero di naman masakit mag CBG enjoy nga pag tinutusukan ng karayom isipin mo nalang nag acupuncture ka! Hahaha! tapos na ang CBG Lunch break na! well ang mga tsismoso at tsismosa nagchichikahan na naman sa canteen kung ano ang nangyari, sus! life ba naman! hay natapos na rin kami kumain at magchikahan balik na sa students room! as usual maaga pa rin kami. hahahaha! kasi wala naman magawa sa canteen kung may pogi eh di tambay muna wala eh! Okay discuss ng konti si Ms. Muriel, nakikinig ako syempre! Mahiya ka na pag di ka nakinig... hahaha! V/S na naman! di na nagsawa, syempre kelangan wala kami magagawa yun ang order ni Boss kelangan emonitor kung may abnormalities. Well kelangan bilis bilisan kasi uwian na para makapagpahinga... ZZzzzzZZzzzZZzzz
It's Saturday! Yey wala duty pero may plans na naman! dapat pupunta ako MOA pero malayo! si Jayson kasi andun si Leah nalang yung pumunta may other plan din kami so pumunta kami sa SM North para buy gift ayun! saglitan lang kasi 4pm may lakad na naman ako sinama ko si Janet kasi my sister told me that she is invited. Okay, we meet up again sa walang kamatayan na Trinoma para dun mag dinner, syempre sa Dencios kami! Love ko ang Dencios. Sa Baguio everyday ako Dencios dun nagshoshot hahaha! Nandito na kami sa Dencios Yey! time to order na, nakakagutom! syempre inorder ko kung ano ang gusto ko. Pero ayaw ni Leah order ako alcholic drinks kasi makikita ni papa kapag nagbayad siya credit card. Nag order pa rin ako pero frozen margarita! Ay naku! ang tagal ng service nila. nakakabwisit pero nabusog ako kahit papano. Time to drink na! Si Leah umuwi na kasi may work pa siya 10-6am . Hinihintay din namin si Tabz and friends grabe galing pa siya Cavite! ang layo ganun talaga ako kamahal. Well shot shot kami order uli drinks pero bayad na food. Drinks nalang hindi. Sa wakas dumating na rin si Tabs, kwentuhan na kami binubuking ako kay Karlo kung ano ako nung college well ganun pa rin ako pero ngayon inlove na! Hahaha! Kasi naman nung nag aaral ako everyday ako lumalabas at umuuwi na ng madaling araw parang Sunday lang yung rest day ko. Unbelievable! Yes It's true! Kung iniisip mo na ganun ako NO WAY HIGHWAY! Matino kami lahat and all of us nag graduate, kasi iniisip din namin yung future namin, ginagawa namin kasi gusto namin eexperience ang mga bagay bagay na alam namin na di na namin magagawa pag kami nagtrabaho na. Totoo yun! Hanggang ngayon nagkikita pa rin kami tinetext ko sila pag my time bumibisita, ako kasi yung panggulo ng buhay nila ngayon nagtratrabaho na sila. Balik uli tayo sa kwento, hay si Tabs medyo tipsy na, tas biglang may eksena sa labas mag jowa and driver nagsasagutan ewan ko ba kung bakit, yung iba busy nanood sa drama. Curfew namin 10pm, pero late na kami umuwi past 12 na corny naman kung 10pm tinalo ko pa si Cinderella. Ayun late na kami umuwi hinatid kami ni Karlo my loves "THANK YOU BEB" Hehehe! Bumaba kami sa cab ni Janet may away pala sa labas ng apt. tagal tagal pa namin maglakad. Hahaha! sinabi lang kasi nung nakaakyat kami, gising pa yung iba, syempre kumain uli kami pagdating yung mga tira namin sobrang dami kasi yung inorder namin. Kelangan ko na maligo at antok na antok na ako may date pa ako kinaumagahan. zzzZZZzzZZzzzZZzzz.....
Nov. 29 Wahhhh! wakey wakey Cha are you excited to meet Karlo! Oh Yes! Im ready! before 12PM yung date namin ni Karlo sinundo ako apartment then pumunta kami Gateway wala lang nag ikot, plan kasi namin pumunta Greenbelt para mag lunch so pumunta kami. Syempre sa Banana Leaf kami kumain YUM! YUM! YUM! BUSOG NA BUSOG na naman ako pati si Karlo busog din lumaki ata belly! haha saglitan lang kami kasi may duty ako ng 10-6am MICU pa kami, kaya umuwi na kami di na nag gala pero dumaan muna ako para bumili ng sleeping pills hirap ako matulog pag daytime. Pagdating ko sa apartment kagigising ibang classmate kasi nag POWER NAP sila ako di na kailangan nasa heaven na ako kasi I'm with Karlo. Naks! Okay Okay! bihis bihis na kami for the night duty! I'm ready! Pucha! kinakabahan na naman ako, kasi yung mga patient kritikal yung situation what if may mangyari! Dami kaya what if sa utak ko that time! So dinala ko yung BOOK OF ANSWERS dami ko kasi tanong, yung sagot okay naman para mabawasan ng konti yung kaba after that sounds muna ako yung fast beat para marelax lang ako. Lahat naman kami kinakabahan, sa wakas dumating na rin si Ms. Muriel quick briefing uli sa gagawin namin "every hour V/S" Yes Mam! syempre lahat sagot YES! alala ko tuloy yung movie ni Jim Carrey na Yes Man, wala lang kasi YES Mam palagi namin sagot kay Ms. Muriel walang NO. Hahahaha! Ang corny! shit di naman ako kumain ng mais.

>to be continued

Waitin'

Tagal namin naghintay! kasi nandun pa yung mga tao nakakakilala sa amin para kaming celebrity! Anyway nagtatago kasi kami baka may magsumbong. Nakakatawa noh? pero pinapagalitan pa kasi kami. We waited for 30mins sa labas, buti pa si Maezie nakita na naman niya si Friendship.. hmmmm! kilig kilig! pero kinakabahan siya kasi lumabas na di nagpaalam kasalanan din namin kinidnap namin siya okay lang yun! nagpakita naman kami sa parents niya pinakain pa kami spaghetti. Tinanong nga ako mom niya kung palagi naggagala si Maezie sagot ko Hindi po. pero Tita ok lang po na maggala siya basta wag niya kalimutan mag aral yun po importante. Kasi ako din ganun nung nag aaral ako kahit masakit na ulo at palaging umaga na ako umuuwi pumapasok pa rin ako kahit 7.30 kahit amoy chico pasok pa rin kasi yung 1hr na yun ang laki na namiss mo . Buti grad na ako! yey!

Photo
R-L Leah Delfinado, Tet Yapo and Charity Delfinado.
Posted by Picasa

OJT Time Part 2

Masakit talaga legs ko sa sobrang lakad di na ako sanay sa mahabang lakaran di na gaya nung nag aaral pa ako sa Baguio akyat baba 5th floor pa room ko, I think I'm getting old na anyway tuloy ang kwento ko so sa Trinoma lang kami PAGOD! PAGOD PAGOD! na ako MAAWA kayo sa akin ang gusto kung sabihin pero di ko masabi kasi enjoy sila. Okay time to go home Oh Yes! drop by muna kami sa Mcdo para kain dinner, nabusog naman ako kahit papano totoong uwi na sa Apt. yey! pwede na ako magpahinga zZzzzZzzzZZz.
Nov 23 First Day of Duty 2-10PM ... okay okay pa kami ng morning sa Apt. lokohan what will happen sa duty. 1PM na everybody is ready pero sobrang kaba na namin lahat, we form a circle and pray AYOS NOH? eh di nakatayo na kami wereready to pray Waaaah! wala naman mag lelead ng prayer TURUAN mode na naman so si Mae naglead prayer coz were running out of time, then bigla sabi meh susunod na maglead prayer di na natuloy tuloy noh! sabi ko naman sa sarili ko first day kasi sobrang kaba. Papunta na kami Veterans syempre nahati yung group na naman 5:5 kami nina kuya Bien,Charlotte,Janet, Lovely and Me nag cab kami syempre ganun din lang pamasahe, iniisip din namin yung convenience. Ang aga namin log in muna sa nursing education, next stop ward 3 waiting kami kay Ms. Muriel wow ang tagal! meh dumaan na group sabi taga fire dept. daw kami kasi naman were wearing red polo. waiting! waiting! Oh yes! dumating na rin si mam so pumunta kami sa students room for a quick briefing on what we will do, syempre practice muna kami kung pano kumuha blood pressure, okay we went to our respective patient to take their vital signs. My first patient is Soledad, she's okay to talk with but she keep repeating what she's saying. Aysus! Sumunod na patient si madam Angelina, cool siya and easy to get along with! Wow! yan ang hinahanap ko. sabi nga niya sakin "kelangan magsalita para makarating ka sa gusto mong puntahan" Totoo yun! marami din siya tinanong tungkol sakin like anong work parents mo? bakit ka nag caregiver? Sasagutin ko nalang yung bakit ka nag caregiver? My parents are not getting any younger gusto ko alagaan sila ang gusto ko gawin sa buhay ay mag negosyo pero I don't have enough funds sabi ng magulang ko wag daw muna ngayon I'm still young! kailangan ko daw magtrabaho tama naman! sabi nga ni madam Angelina tama daw yung sagot ko! oo naman! Sabi niya sa akin mabait ako.. Hmmmmm! tama yun! Alala ko sinamahan ko pala siya sa C.R kasama namin bantay niya, tinanong go yung girl bakit absent siya sabi di na daw siya nag aaral till 1st yr HS ako naman naging ate na naman eh sabi ko naman sa kanya kelangan tapusin niya pag aaral kahit HS lang, sabi ko kung option mo eh mag asawa ng mayaman eh di okay! Hahaha! So nag bye bye muna kami sa patient kasi were having our break na be back at 8pm! So kain kami sa canteen! I ordered laing for dinner masarap kasi itsura ng food eh di umupo na ako with kuya Bien and Lovely napa WTF ako coz the food aint that good! di ko na tinuloy kumain ininom ko nalang ung mango shake. Okay we went back to our room, discussion sus! I never thought magpapa quiz si mam! HAHAHA! Yey! mataas nakuha ko! so back to our patient for our last V/S okay na! nawala na kaba namin! Uwian na! nag bye bye na kami kay Ms Muriel then I said Goodnight Mam Enjoy your SEXYTIME! hahaha! =) Uwian na!
Okay Day 2, and Day 3 same old routine well practice practice sa V/S namin magaling na kami! Duty namin 6-2Pm Nov. 26 Something happen, naghihinalo na ang patient ni Charlotte, nag CPR siya, nanonood ako on what they are doing :( namatay ang patient ni Charlotte, tinawag ako ni Ms. Muriel post mortem niyo na, sabi ko sa sarili ko Mam ako po ba talaga? takot na takot kaya ako sa 23 years ako nabuhay sa mundo di pa ako nakahawak ng patay, malamig pala or ako na yung nanlalamig, kelangan pala magpray di ako nagpray kasi I don't know what to do and nagpapawis ako ng malamig, di nahalata na I'm scared. Something happen na naman! si Charlotte namamaga ung isang mata! na stress sa kanyang patient. Tapos na duty time to go home na naman pero magagala na naman kami with janet and lovely. So pumunta na naman kami sa walang kamatayan na Trinoma and SM North yun kasi malapit, Agenda namin eh to look for a gift watch yung napili namin. Ikot ikot kami sa Trinoma wala kami makita na gift that suits her. Change location SM North na wait muna kami cab, pasensya na tinatamad na ako maglakad sayang oras. pagpasok palang hanap na ng shop relo. Yes may nakita na kami Fossil outlet. okay check muna kami prices may nakita na kami. Yahoooo! bakit ba kasi relo? 1. Kasi konting panahon lang kami nagkasama 2. Gusto namin maala kami. yun lang dami ko iniisip pero di ko masabi. di pa namin bilnili hahaha! babalikan pa. Anyway shopping shopping uli sila ako wala binili kasi tamad ako mag shopping I'd rather buy online. hahahaha! Sa wakas natapos na rin uwi na kami! Pagdating namin apt! WTF grabe na mata ni Charlotte, sinabi she's goin home na WHAT! call Ms Muriel di rin namin alam number? Huh! tawagan mo nalang yung unang batch Thank God alam number. Ring Ring Ring
Cha : Hello! Mam si Charlotte po uwi na daw siya kasi grabe na yung maga ng mata niya
Ms. Muriel: Nagtake na ba siya meds?
Cha: Opo Mam kanina pagdating namin
Ms. Muriel: Eto gawin niyo punta kayo ER sabihin niyo nag duduty kayo and sabihin niyo pinapunta kayo daddy ko
Cha: Ok Mam
eh dali dali na kami nagbihis, papunta na kami hospital. Naiinis na naman ako syempre apat sila naiwan sa apt. si kuya Bien and Edgar nagsimba sila kami galing mall. Parang ewan yung mga naiwan kasi may nangyayari na kay Charlotte. di pa sinabi para uwi na agad kami. Hay! Anyway asa hospital na kami ER interview Charlotte, kami nakaupo lang nakikinig natapos na rin pinapunta kami sa Eye specialist, another check up uli kay Charlotte kami nakaupo, hirap pa signal sa clinic. Nakakaantok at sobrang tahimik pa sarap mag ghost hunting sana mukhang meh ghost naman! na try ko na mag ghost hunting sa Diplomat sa Baguio masaya na nakakatakot tuloy ang kwento nakaupo lang kami waiting pa rin tapos bigla may pumasok si Ms. Muriel pala kasama Dad niya. Sweet na touch naman kami lalo na si Charlotte kasi super down na siya sa nangyayari and she felt good after that. >to be continued

lilhlay =)

Wednesday, December 23, 2009

OJT Time Part 1

It's been a while na nawala ako sa techie world maraming kelangan gawin at ayusin. Buti natapos na ang OJT kwento ko nalang kung ano nangyari sa akin sa 3 weeks na yun!
Nov. 21 '09 luwas na kami Manila yehey! excited na ako kasi marami ako gusto gawin pagdating like meeting my friends and makita Karlo tagal na kasi kami di nagkikita. Sa bus dami ko iniisip di ako makatulog ng maayos at natatagalan ako sa byahe PROMISE! pain in the ass talaga! 10hrs na byahe ba naman! Thank God nakarating na kami, naghihintay na pala si Mang Henry sa terminal, yey! were goin na sa apt! pagdating sa apartment SHIT! wala pala kami susi so sinira namin yung door YES! nakapasok na kami, fix muna namin gamit then ako naligo na kasi I want to go out na, 11PM lumabas na kami ni Janet, just the two of us to meet my friends. Plan for the day meet muna sa Trinoma then mag Greenbelt kami coffee lang. So nasa Trinoma kami ikot-ikot nakakasawa na tagal pa nila buti nauna dumating si Karlo my loves, walking walking na naman sakit na legs ko then sumunod na dumating si Tabs and friend I forgot his name already. Then kain muna tomguts na ako eh! so Pizza Hut muna kami kasi na miss ko ang Cheesy Volcano mahilig kasi ako sa cheese di ako nagsasawa , buti dumating na rin Azhra bago serve yung order namin. Kain! Kain! tas kwentuhan kung ano na nangyayari sa life namin syempre tinanong kung ano ginagawa ko Manila sabi ko mag-OOJT at Tambay sa mga coffee shops and Bar syempre! ayoko ma stuck kasi baka maging miserable ang buhay ko HAHAHA! YUMMY! nabusog ako sa pizza, next location Greenbelt. CR muna kami WTF! umuulan na! Naiinis ako pag umuulan panira sa lakad. Oh well we decided Trinoma nalang mag coffee sa Coffee Bean nalang kasi may available seats sa labas and para makapag smoke, life ba naman! kwentuhan uli kami about work tapos lokohan. Sa wakas tumila na ang ulan ano na sunod na plano it's 3pm na mag greenbelt pa ba? of course pwede ba hindi 10pm naman curfew tsaka gusto ko makita Leah. hahaha! MRT na! nagtxt si Janet sa mga kasama namin OJt that were goin to greenbelt. Nagreply sunod daw sila. nasa Ayala na kami tapos nasa North sila Oh My! tagal. Ok naghintay kami , sa wakas dumating na rin sila so lakad lakad then may isang nawawala si Young pala balik uli sila sa MRT Station ako di na sumama hintay nalang sa SM tamad na ako maglakad. Aysus! nag lock bigla nung pinasok ang card. HAHAHAHA! Si Leah naghihintay na sa Powerbooks, si Azhra naman naiihi na. Hay! tagal classmates pumasok pa sa Powerbooks at tumingin book. Pagod na ako! Gusto ko na umupo lumabas na din sila YES! Next stop Starbucks Greenbelt 1. Tambay, Coffee at tamang kwentuhan sarap ng pakiramdam. Eto pala nangyari samin sa starbucks So Im with my SLU Gals and with the Prima Gals too anyway mas close ako sa mga SLU Gals ko love ko sila. hahaha! syempre nag order na kami ng coffee tapos tinanong ko sila if they want to order so si Janet lang nag order, okay nahihiya na ako sa kanila. Sabi nga ni Azh wala na ako magagawa sa taong di mahilig mag coffee so she told me na maglakad lakad muna sila para di sila mabored. Okay naglakad sila taz hiwalay na nung uwian na pero si Janet stayed with us dun muna kami kulitan na naman okay nga kwentuhan kasi were all professional and iba feeling kakaiba!
Veterans na! I woke up early di ako excited! Hahahaha! matagal kasi ako maligo at magbihis buti nalang orientation inaantok pa kasi ako. Papunta na kami Veterans tricycle sinakyan namin, di ko carry! Punyeta nasiraan kami sa gitna ng daan malapit na nga sa Veterans, nagbayad kami ng P10 si mamang driver siningil pa kami di na nga kami nakarating sa pupuntahan namin badtrip talaga! Nakarating na kami main entrance Veterans Oh Shit! Im sweating ng bonggang bongga! Go na kami sa nursing education dun muna kami! waitin' kay ms. muriel. Im bored na sobrang tahimik wala naman ako masabi sa classmates ko kasi were not that close and di ko sila kilala si mam rose batchmate ko nung H.S di rin kami close.Thank God I brought my PSP nakinig nalang ako panay fast beat. Okay start na orientation nakita na rin namin C.I namin si Ms. Muriel ayos naman pero nung start orientation ay naku gusto ko na tulugan si Mam Suddol mali ata spelling last name anyway! OO noh! antok ako tas si Mam Muriel nasa likod pa pano pag nauntog ako sa babae nasa harapan ko Hayyy! nakatulog ako ng konti pero ginising ako ni mam Rose katabi ko kasi siya. So ginawa ko sulat drawing sa likod ng notebook ko ang dugyot na. Sa wakas natapos na rin yung orientation, kinausap kami ni ms. Muriel, she asked some questions ay naku wala ako alam di gumagana utak ko that time HAHAHA! Tour na kami Veterans, ikot ikot kami ni isa wala ako natandaan pitty me! entrance lang natandaan ko pero yung sinasabi niya about the place natandaan ko naman location lang ang hindi ko matandaan basta ang last na place na pinuntahan namin other way papunta sa apt. kasi uwian na I have plan uli syempre pumunta ako sa office ni auntie and mag pa pedicure. So pumunta ako Delta mag isa lang ako syempwe, nagkita na kami auntie hinintay ako labas office kinidnap ko at nagpasama para magpaganda. hmmmm.... sarap pakiramdam, sunod niyaya ko si auntie kumain sa eat all you can na resto, gutom na kasi ako at gusto ko kumain ng bonggang bongga nabusog na naman ako. Time to go home na sa apt. kasi AYOS na naman ako WOW WOW WOW. Pagdating ko sa apt.sabi bihis daw punta Veterans meet daw si Mam Jen kasi uwi si Mam Rose. Okay e di pumunta kami lahat hinatid pa kami ni Mang Henry sa gate 2 kami. OH MY! di ako pinapasok kasi maiksi daw shorts ko wala ako magagawa yun suot ko lumabas, so wait ako sa labas thank god! dala ko na naman si Mr. PSP sounds uli, tinext ako sabi meet daw kami then punta na Trinoma okay pumunta ako mag isa lang ako. Ok nagkita na kami. ikot ikot uli sa Trinoma napagod ako. SHIT! natulog nalang sana ako ---------to be continued =)

OMG!

Wala na naman ako maisip na isusulat as in blank na naman utak ko! Xietness nakakabobo pala magsulat pag tumagal tagal na tumatalino na naman ako. Hahaha! Kahapon late na naman kami nagising ni leah nawala sa isip namin kasal pala ni uncle Raymound, AYUN! ginising kami ni mama buti nalang di kami pinagalitan na "late na naman kayo nagising wala pa kayo nagagawa" linya ni mother dear! sa sinabing kasal,dali-dali na ako bumangon at naligo, baka ma missed namin ung sweetest part na "You may kiss the bride" Eto kasi yun kung bakit... hinabol habol namin ni leah yung kasal kasi si Uncle parang bading na ewan, and were wondering kung bakit nya na pa I do eh wala pa 1 year and the girl she's good looking naman ang dami namin tinanong kay uncle napa ahhh talaga kami ni leah some of the questions di niya nasagot like kung pano siya nag propose at kung san sila mag hohoneymoon ang simple yung tanong namin pero di nasagot Asar naman! kaya nevermind wait and see nalang. Balik uli tayo sa part na U MAY KISS D BRIDE nasaksihan namin pero mabilis masyado sana tinagalan kahit 20sec, kung ako siguro yun? hmmmmm... Aysus mag imagine ba naman!
Hapon na naman wala na naman kami magawa ni leah syempre labas uli pumunta kami sa shop ni Maezie tambay tapos take pictures ang kukulit naming apat noh? Syempre naman, napansin niyo sa photo may alloted space for Tet as usual late na naman crop nalang namin photo niya pero nakakatamad.. hahaha! Sa tagal ni Tet na dumating nagpapaputok nalang kami maagang bagong taon, hayz! para kaming mga bata COOL naman! Sa wakas dumating na rin si MRS. Fairie Ann Loreta Rivera Millare Yapo, syempre go na kami sa kalye para mag chillax Yey! pagpasok namin OMG! daming thunders parang kami lang yung mukhang bata Cge! Go pa rin kami nakakatamad na lumipat at ihing ihi na ako BADTRIP may tao sa CR niyayakap na ang bowl sa sobrang kalasigan Grrrrr! kakainis tagal tagal pa naman 30mins silang nagyayakapan ni Mr. Bowl naghintay pa rin ako. Ayun kwentuhan muna kasama si Mr. San Mig masaya pa rin kahit ihing ihi ako something happen unexpected talaga! Punyeta! nakita namin ni leah yung kumakanta sa church OMG buti nalang di ako nakita na naglalaklak kaya we decided na Ebar nalang para makita na rin ni Cess yung HOT dance moves ni Maezie. Anyway si Maezie ay hot sumayaw and SO SEXY pag nakita mo malalaglag brief and panty mo, nakita na rin ni Cess na inlove ata HAHAHAHA! Sana nainlove, cross fingers nalang... =))
Posted by Picasa

Lilhlay and Chichay

Tuesday, December 22, 2009

Ano daw yun FAFS!

Di ko alam pano simulan pero my day AYOS lang. Pumunta kami sa place ni maezie pang gulo na naman kami ni Leah eh! wala magawa sa probinsya. Ayun! nagtatago pala sila sa mga nagcacaroling, ako rin noh magtatago ako nakakatamad kaya mag abot ng pera hahahaha! Buti nalang sa bahay namin andyan si Paris para kahulan sila para alis na agad. Pasko ba naman! Aysus! First time namin pumunta sa bagong hot spot ng Ilocos Norte ang Robinson's. Inikot ikot namin yung mall aysus! ang boring nakakaantok wala pang coffee shop and ATM machine sa loob ng mall. Shitness naman! ang masasabi ko lang yung mall not that good buti nalang may movie house pa hahaha! Nanood kami ng Avatar, saya ng movie kaso matagal lang, okay na yun worth it naman yung P100 for the movie nakita ko pa former boss ko kasama ang anak sweetness ang mag ama naman. Hay! akala ko makakatulog ako sa movie house maling akala di ako nakatulog. HAHAHAHA! Ayun watch! watch lang kami tas nung natapos na Yehey! it's over.. kelangan na mag relax so next stop sa Ebar.. Naman! parang maling bar napasukan namin kasi nag christmas party ata ang mga bata taz yung sounds pokerface na may christmas jingle WTF! ano daw yun! I mean gusto namin magsaya tas yun! umuwi nalang sana ako at natulong ng bonggang bonga pero di noh sayang yung inorder ko hahahaha! so naghintay kami until napalitan na yung music thank god! So sayaw sayaw na, taz biglang umuwi na yung mga kids eh dalawang grupo na natira adults na okay naman kasi party people lahat. hahaha! sana nextime mas marami na.