Saturday, December 26, 2009

OJT Time Part 4

Yun nga every hour V/S kasi yung mga pasyente kritikal yung situation yung iba may tubo sa leeg, nakakaawa nga sila eh! pero wala ako magagawa yan ang kapalaran nila. Enjoy nga sa MICU kasi nakikita ko yung situation ng every patient tsaka may thrill kasi alam ko na nahihirapan ako. Di ako napupuyat sa kanila kasi iniisip ko nalang na gumigimik ako para energetic pa rin. Tsaka isipin mo nalang yung patient mo lasing na! kaya nakahiga. HAHAHAHA! uy di ko inisip na lasing sila nun, naisip ko lang ngayon habang nagsususlat. Malapit na matapos ang duty Yey! I need to take my sleeping pills before 6am. Kailangan ko mag sleeping pills para sweetdreams and di ko marinig yung mga ingay nila, ayoko ginugulo pag ako'y natutulog panira kasi sa panaginip. Natapos na rin ang duty lahat antok na antok na, ako sakto lang natake ko na yung sleeping pills. Pero lahat na nagmamadali uli It's Laundry time again! syempre kami yung unang dumating kasi nag cab kami yung iba nag walking na umuwi, ako'y tamad na maglakad. Siguro iniisip mo tamad ako maglakad, Tama iniisip mo pero pag ako nag work out di ako tamad. Hahaha! Ganun talaga! Oh Well! Naglaba na naman ako uniform baka tumalab na yung sleeping pills, natapos na rin! "ang kamay ko may sugat na naman wala na yung malambot kong kamay huhuhuhu! " yan ang sinasabi ng utak ko pagkatapos ko maglaba. Ang SHIT noh? kasi naman pano na pag nakipag holding hands ako kay Karlo. Hahahaha! ang drama! may lotion pa naman, pag gusto mo soft pa lagyan mo ng glycerine pero konti lang. share ko lang. Hayyy... I feel sleepy na umeepekto na yung sleeping pills. I'm off to bed na guys! mornin! ... ZzzZzzzZzZzZZzz... Nagising ako past 12 pero natulog uli ako 3pm na ako nagising uli. Pag gising ko kelangan gawin yung output! nakakatamad magsulat,pero madali mag isip! natapos ko na rin, Salamat naman! Hayyyy! duty uli ng 10-6am pero sa MITU na WOW! WOW! WOW! mas kritikal na naman situation EXCITING! On the way na kami sa hospital, ganun pa rin kami magkakasama, anyway drop by muna ako para bumili ng energy drink kailangan ko kasi eh para laging happy! Happiness ba naman! Nasa student's room na kami waitin for Ms. Muriel, dumating na si Mam sabi "Guys kelangan natin humabol sa 11pm na V/S wait lang ha check ko. Okay 7 lang pala patient sa MITU yung iba dito muna sa MICU" Ayyy :( Anyway kami pala nauna sa MITU I'm with Kuya Bien and Lovely, papunta na kami w/ Ms. Muriel okay inaasign na kami sa mga patient namin nauna si Lovely then ako. Ayun naasign ako sa dati kung patient si Soledad sabi ko kay Mam:

Cha: siya patient ko mam?
Ms. Muriel: Oo! Bakit?
Cha: Wala mam! Hehehe!
Ms Muriel: Eto yung isa mong patient
Cha: Ayyy...
Ms. Muriel: may cancer,
Cha: Natatakot ako mam.

Ok done na ang talking so check V/S pero natatakot ako sa may cancer patient baka mainit ulo, buti nalang SUPER NICE! kasi Nice din ako and polite pa! Aysus! Anyway I'm done in taking V/S so nakatayo nalang kami ni Lovely nag iisip ng pwedeng gawin eh di sayaw sayaw ginagaya niya mga Honeybees! she's good! ano nacontribute ko syempre tumawa ako. Biglang may nangyari ssa patient ni Kuya Bien watttt! naghihinalo na so CPR na mga doctors! kami ni Lovely take muna V/S for 12am, biglang tinawag na ako ni Lovely, "Cha post mortem na" Watttt! Okay pumunta na ako nag pray kami sabi ko sa prayer ko " Tay wag mo ako multuhin you rest in peace Amen! " Sabi ni Ms. Muriel tanggalin na ang mga nakakabit, eh di tinaggal namin, "Cha kunin mo yung syringe" para san kaya itong syringe tutusukin? patay na. "itusok mo dyan sa may catheter tangalin yung tubig or air if I'm not mistaken, ginawa ko, natapos na rin tanggalin na yung catheter syempre hinugot ko sa titi ng pasyente. Hahahaha! Iniisip mo kung ano na feel ko? syempre titi pa rin wala nagbago. Inayos na namin si tatay pero ayaw tumila yung dugo sa right side niya nilagyan nalang ng diaper para di magkalat ng dugo,natapos na rin! EXCITING ayt? natapos na duty namin sa MITU till 1am lang kami kaya sa MICU na kami. May nangyari na naman sa isang patient na diabetic at comatose na patient ko rin the other day, si Kuya Edgar nag pump na ng ambo tagal din pero she's okay na. So the whole 5 hrs nagtake kami V/S and sponge bath sa patient. Yes! it's 6am I can't wait to go home na day off namin kasi! dali-dali na ako uwi nag change na ako damit di na ako naligo pumunta na ako sa house ng cousin ko sa project 7 malapit lang sa apartment namin project 6 kame. Yung uniform ko pinalabhan ko na sa classmate ko binayaran ko siya. So pumunta na ako sa house ni cousin sabi ko kasi "Cuzn gusto ko matulog sa matinong bed" and yes! di ko na kailangan ang sleeping pills binigay ko nalang yung extra. Pagdating ko sa house diretso na ako sa room, mag isa lang ako syempre at late na rin ako nagising. Nagtext si Leah sabi andito Roro, tinext ko naman si Roro sabi asa Greenhills daw siya iniisip ko kung pupunta ako pinapaayos niya kasi sasakyan niya sayang kasama niya pala si Von! Wahhh! na miss ko sila nung kami pa magkakasama sa Baguio. So bumaba na ako kain lunch pagkatapos ko kumain bumaba uli ako nag net at nag videoke muna ako bago ako maligo kasi magrgrocery pa kami sa Waltermart. Sabi ko kay ate nagtext classmate ko nung college magkita daw kami "ano ka magrogrocery pa tayo". Hahahaha! Di ko alam hinihintay pala ako ni ate, dali dali na ako naligo pero natagalan ako nung nagbihis ako. Hahahaha! Sa wakas natapos na rin ako nagrocery na kami, binilhan ako ng chips at iniisip ko kung uuwi pa ako sa apartment! I've decided wag na umuwi at mag wine nalang ako sinolo ko yung red wine nakalahati ko tipsy na! di pa ako agad agad na natulog! kasi gawa ako thank you letter for Ms. Muriel, mahaba ata yung sinulat ko natapos na rin. Higa na ako! Punyeta masakit ulo ko para akong umiikot kaya pinilit ko matulog, nakatulog din ako. zzZZzzzzZZzzzz


> to be continued

No comments:

Post a Comment